Stock market wisdom

If you are a Colfinancial client, you must have already read this from your inbox.

I find this worth sharing even for those non-clients because this founder’s letter is actually encouraging #financialLiteracy. I share their dream of helping every Filipino become rich!

People just do not realize there is a way. Continue reading

Advertisements

Additional insights from the FQ Mom

Over a year ago, nakahingi tayo ng personalized message mula sa kanya.

In the video interview below by Bloomberg TV, may additional tayo na matututunan. I’d like you to pay attention dun sa sinasabi n’ya tungkol sa pain of saving. Masasagot n’yo ang tanong na “bakit ang hirap lagyan ng SAVE envelope?” Continue reading

“Save” more from “Spend”?

Si Ate pala ay may savings pa rin taken from the supposed “Spend” envelop?

Confession n’ya yan while we were on #JFC ice cream and value meal date the other day – matapos makabili ng (a) ibang school supplies (world map, etc) for her school project, (b) some stuffs (small chunks of nuggets, ham and hotdog) from #PGOLD, and (c) a minimum boardlot of 10 shares of #BPI stocks for about nine hundred pesos only.

Yan ay bukod sa kanyang (allowance) savings na ipinahahawak sa akin to be deposited as her payment sa kanyang future self through her investment account.

Natuwa ako dahil mukhang nagiging habit na ang pag-save. Ito lang kasi ang tanging paraan para makapag-invest ang isang tao.

Concerned lang ako. Continue reading

Buy and Hold

Buy and Hold ang strategy na ginamit ninyo nung bilhin n’yo ang mga companies and fund/s (FMETF, etc) na nasa portfolio ninyo sa ngayon.

voteWisely

Ang Election ay isang investment na “buy-and-hold” ang kailangang investing style (Photo taken: St. Peregrine Laziosi Shrine – Muntinlupa City)

 

Sakto sa inyo ang “buy and hold” strategy dahil long-term naman ang investments ninyo. 30 years, remember? Tapos meron na ang bawat isa ng halos Php 6 Million na sakaling marating ninyo, ay ipinagdarasal ko na hindi makasira sa inyong mga pagkatao balang araw.

 

Katangian ng ‘buy and hold’ – Continue reading

Paano iiwas sa scam?

Listen to this victim from a latest news story:

“First, I invested P50,000, which grew to P60,000,” said the victim, a government employee who invested the money …

“The victim added that he was told that his initial investment was used to buy shares in San Miguel Corp., a claim that he could not verify. Although unverified, he decided to “roll over” the P60,000 and, in a span of three months, was told that it grew to P100,000.”

May mali di ba?

Sinabihan s’ya na ibinili ng stocks ng San MIguel Corp (SMC) pero di n’ya ma-verify kung totoo. Nagtiwala pa rin. Ipinasok pa rin lahat ng pera (principal at tubo nito). Sinabihan ulit s’ya, at malamang di na naman nai-verify, na yung P60k n’ya ay naging P100k na! Pagkatapos, lumabas na ang news story.

Ang totoo, paulit-ulit na lang ang ganito (check “Further reading” sa ibaba).

$$$

$$$

Ano ang gagawin ko? Continue reading

Daloy ng pera

Dumadaloy ang pera kaya madalas tawagin itong “cashflow.”

Masayang isipin kung dumadaloy ito patungo sa’yo (inflow). Pero kung bumabaha ang paglabas ng pera (outflow), puwede maging miserable ang buhay ng isang tao.

Journal

Dahil marunong na kayo magsulat ng journal, may nahanap ako pwede n’yo magamit para sa inyong intentional awareness ukol sa pagdaloy ng grasya kahit allowance (at kaunting EARNings) pa lang yan sa ngayon.

Madali lang kasi “fill in the blanks” lang s’ya.

Pwede n’yo itong balik-balikan para makita ang inyong progress habang tumatakbo ang panahon. Ang totoo, malaking bagay din sa akin ang journal na ito. Hindi lang kasi s’ya pambata.

Kung seryoso ka sa tinatawag na financial stewardship (pangangalaga ng pinansyal na grasyang kaloob ng Maylikha sa atin), maige na balik-balikan ang fill-in-the-blanks na journal na ito.

I-click (sa ibaba) para makita ang Journal:

  • Nagalak ka ba sa pinagkagastusan mo kamakailan? Bakit?
  • Alin sa mga ginastusan mo ang pinagsisisihan mo ngayon? Bakit?
  • May spending habit/s ka ba na kailangan i-improve? Paano ang plano?
  • Paano ka pa makakapag-save?
  • Kapag malungkot(naiiyak)ka o masama pakiramdam mo, ano ang mga mabuting bagay na maari mong magawa na hindi mo kailangan gumastos ng pera?

Continue reading

Bear Market?

Sounds like the favorite of the two of you, right? Yung Teddy bear.

Pero ang tinutukoy ko dito yung nangyayari sa economy ng bansa when the stock market is tanking. Bumabagsak ang mga presyo kahit ng malalaking companies!

Hindi ka matutuwa sa “market bear” na ito tulad ng pagka-aliw n’yo sa “teddy bear” na gusto n’yo nga bilhin agad kapag nadadaanan natin dun sa SM Mall (SMPH) kasi ang sarap gawing unan at katabi sa pagtulog. 🙂

Madidismaya kayo tingnan ngayon ang inyong mga portfolio dahil namumula at malamang double digit ang losses!

Nakakatakot! Dahil parang biglang naabo yung malaking bahagi ng perang ipinahiram ninyo kina Tony Tan ng Jollibee (JFC) at iba pang malalaking Tycoons ng Pilipinas.

Alam n’yo ba? I realized na kung meron mang dapat i-master sa stock investing, ito yung emotion of FEAR. Kahit saan naman di ba, kapag naunahan ka ng takot, talo ka na agad!

Dahil sa fear, nasisiraan ka ng loob. Maraming tao ngayon, nagpa-panic selling dahil bumubulusok ang mga presyo nung binili nilang stocks. At dahil binenta nila ng lugi pa, nakuha nila yung “actual loss” na dapat ay Continue reading

Paano bibili kung sarado ang Philippine Stock Exchange (PSE)?

Sumasabay sa school ang operations ng PSE (Philippine Stock Exchange). Bukas sila 9:30am hanggang 3:30pm, Mondays to Fridays only. Kapag holidays, wala rin silang pasok.

So paano ka na maki-sosyo sa mga big tycoons ng bansa tulad ni Tony Tan (ng Jollibee)? Kailangan ba a-absent ka para lang dito?

Hindi kailangan mag-suffer ang school at iba pang gawain n’yo. Sabi nga natin, “on the side” lang ito. Sideline kumbaga. Di kailangang Continue reading

From the FQ Mom – to Ate and Bunso

$$$$$$$

Minsan, mahirap maniwala kapag walang nakikita kahit pa totoo ang mga “principles” na naririnig natin. Yan ang mahirap sa journey, kailangan mong maging visionary (parang yung Makati City lang, dati mga talahiban yan, pero yung mga nakikinabang dyan ngayon, nakita nila na yung bawat talahib na yun, matataas na gusali! at yung pinagsama-samang mga talahib, financial center ng bansa!).

So, tayo andoon pa tayo sa “Journey.” Sa totoo lang di talaga nagtatapos yan until the eternal kingdom is established. And we do not know when that will happen.

Sometimes lang

Ako kasi aminado din na minsan (kung hindi man madalas – at kung madalas man, gaano kadalas ang minsan? whatever!) sinasabi ko “to see is to believe!”

Kung medyo nakakalula pa rin yung pinaka-guiding principles natin sa ating financial literacy journey, may mga pinakiusapan (inistorbo, kinulit, kinalampag, ini-stalk — syempre in a nice way) akong mga tao na napagdaanan na itong journey natin para maging role models natin. Kulang kasi ang lifetime ng isang tao para makamit lahat ng magagandang accomplishments ng iba. So better learn from their experiences – nakakadagdag sila sa karunungan mo sa pinakamaikling panahon. Continue reading