“Save” more from “Spend”?

Si Ate pala ay may savings pa rin taken from the supposed “Spend” envelop?

Confession n’ya yan while we were on #JFC ice cream and value meal date the other day – matapos makabili ng (a) ibang school supplies (world map, etc) for her school project, (b) some stuffs (small chunks of nuggets, ham and hotdog) from #PGOLD, and (c) a minimum boardlot of 10 shares of #BPI stocks for about nine hundred pesos only.

Yan ay bukod sa kanyang (allowance) savings na ipinahahawak sa akin to be deposited as her payment sa kanyang future self through her investment account.

Natuwa ako dahil mukhang nagiging habit na ang pag-save. Ito lang kasi ang tanging paraan para makapag-invest ang isang tao.

Concerned lang ako. Continue reading

Advertisements

Total Cash “Payment” (to yourself). How bank payment slips can help both kids and the not-so young?

Sa tingin ko, mahusay na idea na gamitin n’yo ang payment slips ng mga banko sa paglagak ng inyong savings para sa inyong investment accounts.

Ang dahilan ay mas mauunawaan ninyo ng husto ang konsepto ng pagbabayad muna sa sarili (pay yourself first kung tawagin sa Ingles; nabanggit din yan ni FQ Mom Tita Rose sa kanyang mensahe sa inyo).

Sa totoong buhay kasi, maraming tao ang madalas magbayad sa iba pero kinakalimutan at hindi binabayaran ang sarili.

Andyan ang bayaran nila ang mga may-ari ng Meralco (kuryente), Maynilad (tubig), bahay (na inuupahan o hinuhulugan), mga gumagawa at nagtitinda ng pagkain, mga nagbibigay ng serbisyo tulad ng tsuper ng jeepney at tricycle. Pero ang sarili hindi binabayaran.

Kasakiman ba na bayaran ang sarili? Continue reading

Buy and Hold

Buy and Hold ang strategy na ginamit ninyo nung bilhin n’yo ang mga companies and fund/s (FMETF, etc) na nasa portfolio ninyo sa ngayon.

voteWisely

Ang Election ay isang investment na “buy-and-hold” ang kailangang investing style (Photo taken: St. Peregrine Laziosi Shrine – Muntinlupa City)

 

Sakto sa inyo ang “buy and hold” strategy dahil long-term naman ang investments ninyo. 30 years, remember? Tapos meron na ang bawat isa ng halos Php 6 Million na sakaling marating ninyo, ay ipinagdarasal ko na hindi makasira sa inyong mga pagkatao balang araw.

 

Katangian ng ‘buy and hold’ – Continue reading

Gaano ka kasuwerte?

Kung nakakapag-school ka at hindi kailangan maglakad ng isang oras papunta at isang oras pabalik, di ba swerte ka?

Kung may baon ka at di kailangan mag-ulam ng asin, di ba swerte rin yan?

Kung hindi ka sa kuweba kailangan tumira kasama ang mga wild animals tulad ng ahas, swerte din bang matatawag yan?

Ang nasa ibaba (press “F5” key kung wala ang video ng #KMJS) ay isa sa mga nakakalungkot na kuwentong napanood ko: Continue reading

Lagi magpasalamat

Dapat laging pahalagahan ito: Being grateful.

Parati magpasalamat. May pera man o wala.

Kasi nga naman kung complainer (mareklamo) ka, lalo lamang lalayo sa’yo ang grasya (blessings)! Kaya para makasigurong lalapitan ka ng blessings, alam mo na ang gagawin mo. 🙂

May kasabihan akong nabasa noon na “gratefulness leads to contentment and abundance.”

Be very blessed by watching this life-changing discussions about gratefulness and other important life values: Continue reading

Relationship versus money

Relationship is still the most important of all. By that, I mean your relationship with God and His people.

Para maging makabuluhan ang relationship na ‘yan, ang pinakamahalagang katangian dapat ay “loving”(mapagmahal) ang uri ng relationship na ito.

 

 

Ang tamang technique Continue reading

Bear Market?

Sounds like the favorite of the two of you, right? Yung Teddy bear.

Pero ang tinutukoy ko dito yung nangyayari sa economy ng bansa when the stock market is tanking. Bumabagsak ang mga presyo kahit ng malalaking companies!

Hindi ka matutuwa sa “market bear” na ito tulad ng pagka-aliw n’yo sa “teddy bear” na gusto n’yo nga bilhin agad kapag nadadaanan natin dun sa SM Mall (SMPH) kasi ang sarap gawing unan at katabi sa pagtulog. 🙂

Madidismaya kayo tingnan ngayon ang inyong mga portfolio dahil namumula at malamang double digit ang losses!

Nakakatakot! Dahil parang biglang naabo yung malaking bahagi ng perang ipinahiram ninyo kina Tony Tan ng Jollibee (JFC) at iba pang malalaking Tycoons ng Pilipinas.

Alam n’yo ba? I realized na kung meron mang dapat i-master sa stock investing, ito yung emotion of FEAR. Kahit saan naman di ba, kapag naunahan ka ng takot, talo ka na agad!

Dahil sa fear, nasisiraan ka ng loob. Maraming tao ngayon, nagpa-panic selling dahil bumubulusok ang mga presyo nung binili nilang stocks. At dahil binenta nila ng lugi pa, nakuha nila yung “actual loss” na dapat ay Continue reading