Daloy ng pera

Dumadaloy ang pera kaya madalas tawagin itong “cashflow.”

Masayang isipin kung dumadaloy ito patungo sa’yo (inflow). Pero kung bumabaha ang paglabas ng pera (outflow), puwede maging miserable ang buhay ng isang tao.

Journal

Dahil marunong na kayo magsulat ng journal, may nahanap ako pwede n’yo magamit para sa inyong intentional awareness ukol sa pagdaloy ng grasya kahit allowance (at kaunting EARNings) pa lang yan sa ngayon.

Madali lang kasi “fill in the blanks” lang s’ya.

Pwede n’yo itong balik-balikan para makita ang inyong progress habang tumatakbo ang panahon. Ang totoo, malaking bagay din sa akin ang journal na ito. Hindi lang kasi s’ya pambata.

Kung seryoso ka sa tinatawag na financial stewardship (pangangalaga ng pinansyal na grasyang kaloob ng Maylikha sa atin), maige na balik-balikan ang fill-in-the-blanks na journal na ito.

I-click (sa ibaba) para makita ang Journal:

  • Nagalak ka ba sa pinagkagastusan mo kamakailan? Bakit?
  • Alin sa mga ginastusan mo ang pinagsisisihan mo ngayon? Bakit?
  • May spending habit/s ka ba na kailangan i-improve? Paano ang plano?
  • Paano ka pa makakapag-save?
  • Kapag malungkot(naiiyak)ka o masama pakiramdam mo, ano ang mga mabuting bagay na maari mong magawa na hindi mo kailangan gumastos ng pera?

Continue reading

Advertisements