Bear Market?

Sounds like the favorite of the two of you, right? Yung Teddy bear.

Pero ang tinutukoy ko dito yung nangyayari sa economy ng bansa when the stock market is tanking. Bumabagsak ang mga presyo kahit ng malalaking companies!

Hindi ka matutuwa sa “market bear” na ito tulad ng pagka-aliw n’yo sa “teddy bear” na gusto n’yo nga bilhin agad kapag nadadaanan natin dun sa SM Mall (SMPH) kasi ang sarap gawing unan at katabi sa pagtulog. 🙂

Madidismaya kayo tingnan ngayon ang inyong mga portfolio dahil namumula at malamang double digit ang losses!

Nakakatakot! Dahil parang biglang naabo yung malaking bahagi ng perang ipinahiram ninyo kina Tony Tan ng Jollibee (JFC) at iba pang malalaking Tycoons ng Pilipinas.

Alam n’yo ba? I realized na kung meron mang dapat i-master sa stock investing, ito yung emotion of FEAR. Kahit saan naman di ba, kapag naunahan ka ng takot, talo ka na agad!

Dahil sa fear, nasisiraan ka ng loob. Maraming tao ngayon, nagpa-panic selling dahil bumubulusok ang mga presyo nung binili nilang stocks. At dahil binenta nila ng lugi pa, nakuha nila yung “actual loss” na dapat ay Continue reading

Advertisements