Stock rights: is it good or bad? Bakit kailangan mo itong kunin?


By this time, marahil nakukulitan na si ate kay daddy sa pagpa-subscribe sa stock rights niya sa #BDO. Pwedeng-pwede ko sana gawin yan for you ate pero katulad nga ng sabi ko, I’m just here bilang guide ninyo.

Ikaw (kayo) ang gagawa ng Php 7M na target money n’yo sa pamamagitan ng mga huge companies tulad ng Banco De Oro.

These are the steps to do it. Wala pang three minutes yan, pero your effort will serve you a fortune soon!

(Photo guide above)

Stock
rights is good from time to time. Kumukuha kasi ng karagdagang pera (capital) ang BDO para lalong palaguin ang negosyo tulad ng pagdagdag ng mga ATM machines para mas mapagsilbihan ang mga customers na nagwi-withdraw ng cash (tulad natin).

Ang mga maliliit at malalaking may-ari (shareholders) naman ay makikinabang sa pagtanggap ng mas malaking kita thru “dividends.” Kung i-let go mo ang iyong karapatan (rights) sa karagdagang stocks, syempre liliit ang share mo (or percentage mo) sa dividends (kita) ng kumpanya in the future.

Tingin mo ba patuloy ang kita ng BDO in the future? (Napansin mo ba yung #SMPH mo lumilipad? Kasama sa pag-angat niyang ilang tiles mo sa SM malls ang  pag-asenso ng Banco De Oro  kasi may branches yan sa mga SM; kaya nga sila pa lang ang may weekend banking sa buong bansa!)

Kaya pagkakataon natin ito para mas mapalago natin ng husto yung mga milyones nyo (he he) while you are still building it.

May mga pagkakataong di maganda ang stock rights kung ang intention ng mga pangunahing nagpapatakbo ng negosyo (remember employee sila ng mga shareholders na katulad n’yo 😉 ) ay para lang ibayad sa utang at hindi kikita ang karagdagang capital (puhunan). Ang additional shares kasi sa market tulad ng stock rights ay nakakalusaw (dilutes) ng halaga ng kasalukuyang shares of stocks na hawak ninyo.

Kaya mas mahusay na kunin ang stock rights (karapatan mo sa karagdagang shares of stocks) dahil:

1) mapapanatili mo ang percentage(℅) of ownership mo sa company at hindi ka malalamangan sa future profits ng company na nakukuha in the form of dividends

2) discounted mo rin itong nakukuha at walang boardlot boardlot, walang buying charges pati (just imagine, P83 mo lang ito bibilhin pero nasa P112 ito sa ngayon. Kahit bumaba yan dahil sa dilution, may agarang kita ka pa rin kasi nga naka-discount ka)

Isa pa, naniniwala tayo na ang BDO ay mananatili sa negosyo in the next 30, 50 and even 100 years! Di ba, ang #BPI nga na nabili mo din kamakailan lang ay mas matanda pa nga kay Jose Rizal na ipinanganak lang noong 1861?

O, ano pa hinihintay mo ate? May deadline ang stock rights offer (hanggang January 17 sa case ng BDO para maka-raise ng P60B cash). After that date, mga ibang investors na kukuha n’yan. Sige ka. Sino kaya ang mawawalan..

PS: Si bunso pala walang stock rights offer kasi wala naman sayang BDO shares na kinuha directly. Pero kahit ganun indirect owner din sya ng BDO dahil meron sya nung #bucket kung tawagin natin.

Important note (to all): 85% lose their money in the stock market;  the daughters are increasing their money. Proceed with caution; better yet, you may get proper guidance in a community we are part of.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s