Nakamamatay! Discipline of practice saves.


[Updated August 4, 2016] Ngayong araw, may nag-set ng world record sa pag-skydive ng walang parachute! Warning: Do not do this at home, nakamamatay!

Nangyari ito sa loob ng dalawang minuto lamang. Instant di ba? Gusto natin lahat yan. Instant fame. Madaliang achievement. Pero ang makikita lang sa video sa ibaba ay yung mismong two minutes bago marating ang accomplishment na world record.

The breathtaking drop:

Drop view from the ground:

Bukod sa news article, sinubukan kong alamin ang kuwento ng pambihirang pangyayaring ito kasi sabi ko magagawa ko lang ang tumalon 25,000 feet mula sa ere/eroplano ng walang chute at bumulusok ng 150mph (miles per hour) o kasingbilis ng super bagyo kung nasisira na ang ulo ko.

Oo nga pala. Halos ganyan din kabilis kung bumababa ang stock prices tuwing bear markets (o panahon na bumubulusok ang prices ng maraming companies). Ayon nga sa matandang kasabihan, “The bull goes up by the stairs and the bear goes out the window.” Dahil mabilis bumaba, masasabi rin na isang skydiver ang bear market. That is why kailangan mo ng #patience at dapat talaga pang #longterm and investment style mo para di ka nagpa-panic dahil kapag nakarating na ito ng lowest point sa ground, wala na ibang direksyon kundi mag bounce back paitaas ulit patungong bull market. Cycle din yan. Paulit-ulit lang.


philippineindexbullrun70percentsince1985

ALAM MO BA? Philippine Economy (PSEi) is still on a bull run (green). For the last 30 years since 1985, PSEi was up 70% (or for 21 yrs) of the time. Philippines until now remains a darling among both local and foreign investors! (graph source: Investagrams)

Pero katulad nga ng sabi ng businessman at professional skydiver na si Luke Aikins, “worth doing” ang ginawa n’ya para sa kanya. At dahil “Nothing worth doing is ever easy,” pinagsumikapan n’ya ito. Alam mo ba na ang #preparation took about 2 years? Ganun katagal. Pero bago yan, professional skydiver na talaga s’ya at nagsimula s’yang mag skydive at age 12, halos kasing-edad ninyong dalawa ngayon.

Kaya naman kung ipagpapatuloy ninyo ang mga magagandang ginagawa ninyo sa ngayon katulad ng sa school, saving and investing at iba pa, I’m sure magkakaroon din kayo ng mahusay na accomplishment/s paglaki ninyo na maaari ding maging world record. Why not di ba? And who knows?

Speaking of edad, birthday month ngapala ninyo ngayon. Advanced happy birthday! Wala na muna ako maibigay na panghanda (hehe); pero sige, the usual birthday cake, magdadala ako 🙂

Balikan muli natin kung paano ang ginawang preparations ni Luke Aikins:

July 27, 2016 (Test drop!!!!) – note: even professionals also “get nervous” so if you are just starting and feels nervous with anything, with school, with investing or anything – be reminded of this and just do it!  As Luke Aikins says,“Nothing worth doing is ever easy” but you can do it!

July 21, 2016 (Day 2)

July 20, 2016 (First day on the site):

July 14, 2016 (Training Day):

So why practice?

Ilang bahagi lang ang mga nasa itaas ng totoong paghahanda para sa napakaikling (two-minutes na) skydive. Makikita natin kung gaano talaga kahalaga ang #preparation. Kaya mahalaga ang mga ginagawa ninyo sa ngayon para sa magandang bukas. Practice studying. Practice earning. Practice saving. Practice investing. Practice spending right. Practice donating. Practice praying always. Practice forgiving. Practice doing good. Practice being loving. “Practice makes perfect.

Alam yan ng Lucky Aces – na current favorite ninyo at ng mga classmates – kaya patuloy sila sa practice / training. Look:

Lucky Aces dances PRAY (in the video above): “…say a prayer and receive
When the world feels like it’s on your shoulders (I pray, you pray, we pray)
When your life seems like its upside down (I pray, you pray, we pray)
When your lonely nights are getting colder (I pray, you pray, we pray)
I pray, you pray no matter how dark the day

Sabi nga ng isang teacher sa video sa ibaba:

“…Performance is something that’s earned, it’s never given to you. It translate well in sports or any other activity if you wanna be the world’s best guitarist or violinist or whatever. You have to practice.”

Uy, ate. Guitar daw oh?  Well, practice saving for that precious guitar or anything you  w a n t. Konting ipon na lang, right?  🙂  #hardwork  #determination  #consistency

References:
youtube, investagram.com, sketchplanations.com
Facebook pages of Luke Aikins, Nhikzy Calma, Sean MacCormak, PKKH, ANC On the money
Reference article here
Guinness World Records confirmation

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s