Own a business for only 1k


Maraming negosyo ang nasimulan sa halagang isang libo.

Ito ang isang halimbawa:

LugawQueenStartupcapital

Source: Lugaw Queen website

Familiar? Opo diyan tayo kumakain kapag napadako ng Laguna kasi sulit ang gastos, masarap ang mga pagkain lalo na yung porkchop di ba, ate? Bukod sa mga nabanggit, matipid din sa bulsa ni daddy! (haha)

Not to discourage you

Hindi biro ang magsimula ng ganyang negosyo. Kinakailangan ng maraming pawis, pagod, hirap, pagpupursige, luha, at kung minsan kailangan lumuha ng dugo.

Ang masaklap sa isang nagsisimula (start up) na negosyo, may nabasa akong statistics na, about 30% of them fails (o kaya tatlo sa sampung sinisimulang negosyo ay nagsasara agad) sa unang taon pa lang!

Ini-encourage ko kayong magsimula ng (mga) negosyo lalo na kung talagang #passion ninyo at may #calling kayo sa pagne-negosyo.

Isang madaling paraan

Pero kung di pa ninyo nare-realize, may isa pang paraan para magkaroon kayo ng negosyo at hindi lang basta isang negosyo kundi malalaki at maraming negosyo. Paano?

Tama ang hula ninyo kasi may ilang beses na kayong bumili ng shares of stocks ng malalaking negosyo ng bansa.

Ito ang latest transaction ng pagbili ng isa sa inyo:

10shareOfBPIate

Mag-Ingat. May nakita ako sa facebook na nangangamoy #scam. Hinihikayat ang mga tao na maglagak ng pera at ii-invest daw sa stock market. Bago bitawan ang pera, siguruhing may license ang kausap mo to solicit “investments.” Para magkaroon ng ideya sa scams, bisitahin ang mga posts na ito: (a) Paano iiwas sa scam? ; (b) Wag katamaran; (c) Magtiwala. But double-check din pag may time. Kung pag-aaralan mo, kaya mong ikaw mismo ang bumili sa stock market ng kahit maliit na halaga lamang tulad ng ginawa ni Ate using a licensed broker (ang transaction confirmation ng kanyang pagbili nasa itaas). Wag mo sabihing walang nagpa-alala sa’yo. Nasa huli ang pagsisisi.

 

Kahit isang share of stock lang meron ka, matatawag ka nang business owner kahit pa minority ka lang.

Dahil sa ten shares na nagkakahalaga ng P1,000, you managed to (partly) own a big and stable bank na sinimulan noong 1851, ten years bago pa maipanganak si Jose Rizal na ating pambansang bayani [Rizal was born on June 19, 1861 in Laguna kung saan nasimulan ang negosyong Lugaw Queen sa halagang mahigit P1,000].


 

 

Advertisements

2 thoughts on “Own a business for only 1k

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s