Total Cash “Payment” (to yourself). How bank payment slips can help both kids and the not-so young?


Sa tingin ko, mahusay na idea na gamitin n’yo ang payment slips ng mga banko sa paglagak ng inyong savings para sa inyong investment accounts.

Ang dahilan ay mas mauunawaan ninyo ng husto ang konsepto ng pagbabayad muna sa sarili (pay yourself first kung tawagin sa Ingles; nabanggit din yan ni FQ Mom Tita Rose sa kanyang mensahe sa inyo).

Sa totoong buhay kasi, maraming tao ang madalas magbayad sa iba pero kinakalimutan at hindi binabayaran ang sarili.

Andyan ang bayaran nila ang mga may-ari ng Meralco (kuryente), Maynilad (tubig), bahay (na inuupahan o hinuhulugan), mga gumagawa at nagtitinda ng pagkain, mga nagbibigay ng serbisyo tulad ng tsuper ng jeepney at tricycle. Pero ang sarili hindi binabayaran.

Kasakiman ba na bayaran ang sarili? Hindi po. Portion (bahagi) lang kasi ng budget mo ang binabayad mo sa sarili para sa iyong future self. Yan yung kaunting savings na ini-invest mo sa ngayon; at habang lumalakad ang panahon, lumalago itong kaunti hanggang sa maging parang isang #snowball.

 

Tandaan, kaya meron kang “donate” envelop – babalansehin nito ang greed (kasakiman) ng tao.

Kaya importante na palagi mong nilalagyan ang envelop na yan tuwing may kita (o allowance) ka.

Kapag lumago na ang investments (na paunti-unti ibinayad sa sarili), magagamit ito sa mga gastusin paglaki at pagtanda ninyo.

Kasakiman din kasi na matatawag kung hindi mo babayaran ang mga produkto at mga serbisyo (galing sa mga tao o kumpanya tulad ng Jollibee at SM) matapos mong gamitin ang mga ito. Sigurado ipapahuli ka sa pulis kasi pananamantala at pagnanakaw ang ganyan.

 

totalCashPayment

TOTAL CASH PAYMENT: Dalawang “payment slips” ng BDO na may dalawang magkaibang halaga. Bakit kaya? [Kilala n’yo kung kaninong penmanship ang mga nasa picture, di ba?]

Pag-usapan naman natin ang picture sa itaas.

Medyo ikinagulat ni Ate ang difference ng savings n’ya kumpara kay bunso for the last six months.

Pero batid na ni Ate na dahil iyan sa isang desisyon na impusive (biglaan lang).

Again, hihiramin ko ang sinasabi ni FQ Mom: bumili ka ng isang gusto mo bilhin kung kaya mong bumili ng sampung beses nito (Buy luxury only if you can afford 10 pieces of it). Ganyan talaga sa economics and finance, may tinatawag na opportunity cost. Pwede naman talagang bilhin yung pre-owned Go Pro (nabili nga di ba hehe) pero nag-sacrifice nga lang yung savings — ito ang naging opportunity cost! [ Para mas maintindihan, panoorin ang paliwanag ukol sa “opportunity cost” sa bandang  3:10 ng video ]

Isa pa pala, binili ito ng perang parating pa lang. Hangga’t maaari, sa susunod, ang perang ipambibili natin ay dapat hawak na natin para wala masyado intindihin. Okay ba yun?

[If you can’t be CONTENT, be PATIENT. There is always time for everything.]

 

Sa isang banda, mas mabuti pa rin na may nai-save kahit na kaunti kaysa naman sa wala. Kaya good job pa rin!

 

Sa totoo lang, mahirap talaga mag-save. Minsan, kahit nga na-save mo na gusto pa natin minsan bawasan. Kaya naman may nabili rin si bunso na lego haha. Pero kaunti lang naman ang nabawas, di ba? Kaya mahigit dalawang libo pa rin (check the picture above) ang for investment ni bunso. Okay lang naman ‘yan basta paminsan-minsan lang.

Sample pa lang ang mga iyan. Marami pa kayong kakaharaping mga money decisions as you grow up at siguradong mapagtatagumpayan ninyo ang mga ‘yan.

 

Shop Now! Siyangapala, nai-deposit ko na sa inyong mga investment accounts yung na-save ninyo. Pwede na ulit kayo mag-shopping ng mga malalaking companies na gusto ninyo – bukas man o sarado ang stock market.

 

Advertisements

One thought on “Total Cash “Payment” (to yourself). How bank payment slips can help both kids and the not-so young?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s