Buy and Hold


Buy and Hold ang strategy na ginamit ninyo nung bilhin n’yo ang mga companies and fund/s (FMETF, etc) na nasa portfolio ninyo sa ngayon.

voteWisely

Ang Election ay isang investment na “buy-and-hold” ang kailangang investing style (Photo taken: St. Peregrine Laziosi Shrine – Muntinlupa City)

 

Sakto sa inyo ang “buy and hold” strategy dahil long-term naman ang investments ninyo. 30 years, remember? Tapos meron na ang bawat isa ng halos Php 6 Million na sakaling marating ninyo, ay ipinagdarasal ko na hindi makasira sa inyong mga pagkatao balang araw.

 

Katangian ng ‘buy and hold’ –

  • passive investment strategy –  kasi hindi ka bili ng bili at benta ng benta
  • investor buys stocks and holds them for a long period of time regardless of the fluctuations in the market –  hindi ka basta-basta natatakot kahit bumabagsak ang presyo ng nabili mong mga negosyo
  • investor actively selects stocks, but once in position, is not concerned with short-term price movements and technical indicators – kahit wala ka masyadong activity sa pagbenta dahil bili ka lang ng bili, hindi ibig sabihin passive ka sa pagpili ng mga bibilhin. Aktibo (#mayEffort) ka pa rin sa pag-aaral ng kung anong gusto mong bilhin na mga kumpanya o mga negosyo at gusto mong ang mga ito ay pagmatagalan at magpapalago ng iyong pera at kabuhayan.
  • investor enjoys lower tax, lower fees –  dahil wala masyadong transactions, hindi kailangan magbayad ng mga charges. Hindi ka “buy, sell, buy, sell, buy, sell” kundi “buy, buy, buy, buy” ang ginagawa mo. Sa dulo na lang (30 years) ang gagawin mong sell. Except kung nagkamali ka sa pagbili (buy); Puwede namang sell na lang agad kasi nga kung nagkamali naman talagaPero mahirap yan gawin sa isang election…

 

Ang eleksiyon ay isang investment na kinakailangan ang buy-and-hold style of investing.

Dahil kakasimula n’yo pa lang sa pagsa-shopping ng mga malalaking negosyo ng Pilipinas, at maaaring di n’yo pa masyado maunawaan ang “buy and hold,” gusto kong gawin halimbawa ang napapanahong National Elections sa May 9th.

Kaming mga botante or voters (investors) ay gagamitin namin ang “buy and hold” strategy sa pagpili ng mga susunod na mamumuno ng bansa. Ang pagpili ng kandidato ay, para sa akin, isang “investment” at yung mga boto namin ay pambili (buy) at obligado kaming mga voters na pagtiyagaan (hold) ang mga mananalong kandidato for six years or more kasi baka kumapit na sila sa puwesto ng husto.

 

Actively select! NOT blindly select.

Kaya kinakailangan ang bawat voter (investor) “actively selects” the candidates (investment like stocks) na inaasahang magpapatatag at magpapalago ng bansang Pilipinas para sa kabutihan ng nakararami.

Kung may malaking kaibahan ang stock investing sa candidate investing, marahil iyon ay yung sa “hold” part ng strategy.

Sa stocks kasi pag nagkamali ka ng pagbili (buy), puwede mo agad ibenta (sell) kahit di mo pa nararating ang #tamangPanahon para kunin ang investments mo.

Kapag nagkamali ka naman sa pagboto (buy) ng isang namumuno (investment), sapilitang kang magtatiyaga (hold) ng six years or even more.

Kaya kailangan talaga sa investing (lalo na sa pagboto) na pinag-aaralan ng husto ang mga desisyon at hindi lamang nakabase sa “emotion” o sa “herd mentality” na nakikita mo sa paligid.
http://www.gmanetwork.com/news/eleksyon2016/results

http://ph.rappler.com/elections/2016/results

 

“… For all authority comes from God, and those in positions of authority have been placed there by God.”  – Romans 13:1

 
Reference:  http://www.investopedia.com/terms/b/buyandhold.asp

 

 

http://ph.rappler.com/elections/2016/results

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s