‘Wag katamaran


Gusto ko na sana manahimik matapos yung unang post kung Paano makaiwas ng scam.

Kaya lang, nabasa ko ang kuwento ng isa pang biktima.

Related: Magtiwala. But double-check din pag may time!

Akalain mo dahil lang sa hindi pag-check ng totoong figures milyon milyon ang nawala sa kanya?

A complainant…

“claimed that in March 2015, she was enticed by Peñaflor to buy stocks of ABS-CBN Corporation with a guaranteed hefty profit. She was told to open an account at Regina Capital, wherein the suspect’s company, CAP-M Consultancy Company, was allegedly connected.

“Jao was advised to buy stocks through CAP-M, so that within 12 to 15 days, she would sell the stocks with a 50%-profit. She invested P456,000 ($9,760.52) for 9,500 shares of alleged ABS-CBN stocks at P48 ($1.03) per share.

“After 12 days, Peñaflor reportedly told her that her stock was traded and earned more than P130,000 ($2,782.60). She then decided to reinvest her capital and profit with CAP-M.”

Red flags!

  • “Guaranteed” na kita – kapag may ganyang word tumakbo ka na

  • Napakaikling panahon ng napakalaking tubo: 50% guaranteed profit in 12 to 15 days! Wow! Check always the promise against the rule of 72. Kung totoo man na 50% ang magiging kita, kakailanganin n’yan ang mga anim na buwan (or 1.44 years para may double money ka) at hindi 15 days! Ganyan ang bisa ng Rule of 72, makakaiwas ka talaga sa mga ‘too good to be true’ promises.
  • P48 price per share ng ABS-CBN? Ito ang hindi ko talaga maintindihan. Binalikan ko ang price ng ABS for the entire March 2015. Check the graph below. Sabihin mo sa akin kung may makita kang P48 na price.
no48price

Show me the price you are talking about! (Feb 22, 2015 to May 31, 2015 ABS-CBN stock graph taken from barrons.com; sticker from facebook)

May nakita ka bang P48 na presyo? Wala! Nasa P60 to P64 ang price per share ng ABS mula March.

Kung nakita mo na P60 ang market price at nakuha mo ng P48, kumita ka lang ng 25% [compute: P60 – P48 = P12 / P48 = 25%] at hindi 50%! Another reason yan para pagtakhan sana.

At para maging 50% ang kita mo dapat maibenta mo ang stock ng P72.

Paano mo naman maibebenta ang ABS CBN ng ganyan kung ang market price nga ay nasa P60 lang.

Pwede na ulit sabihin dito na “nakakapagtaka naman ang ganyan, di ba?”

Sinong tao na gustong kumita ang bibili ng palugi? Sa gusto magpa-scam siguro puwede.

Verify! Verify!

Simple fact check can save you millions! Yang balita ang magpapatotoo n’yan.

Ang gagawin mo lang ay pumunta sa website ng Philippine Stock Exchange para malaman ang current price ng mga publicly-listed companies. Mahirapan ka bang gawin yan?

Wag sana nating katamaran ang pag-aaral

Sa ganang akin lamang, investing is a lifetime of learning!

 

==========

Advertisements

5 thoughts on “‘Wag katamaran

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s