Paano iiwas sa scam?


Listen to this victim from a latest news story:

“First, I invested P50,000, which grew to P60,000,” said the victim, a government employee who invested the money …

“The victim added that he was told that his initial investment was used to buy shares in San Miguel Corp., a claim that he could not verify. Although unverified, he decided to “roll over” the P60,000 and, in a span of three months, was told that it grew to P100,000.”

May mali di ba?

Sinabihan s’ya na ibinili ng stocks ng San MIguel Corp (SMC) pero di n’ya ma-verify kung totoo. Nagtiwala pa rin. Ipinasok pa rin lahat ng pera (principal at tubo nito). Sinabihan ulit s’ya, at malamang di na naman nai-verify, na yung P60k n’ya ay naging P100k na! Pagkatapos, lumabas na ang news story.

Ang totoo, paulit-ulit na lang ang ganito (check “Further reading” sa ibaba).

$$$

$$$

Ano ang gagawin ko?

Kung ako si victim, ganito ang gagawin ko.

Dahil walang maipakita para i-verify ko na talagang nasa stocks ng San Miguel Corp (SMC) ang pera ko, ilalabas ko na lahat ng P60k(principal at itinubo nito); or dahil may konti pa rin akong tiwala sa kausap ko, yung principal (P50k) na lang kukunin ko, iiwanan ko yung itinubo na P10k nang sa ganun yung itinubo lang ang mai-scam.

Pero may mahirap na bahagi dito. Karamihan sa mga victims ng scams, malalaking halaga ang naire-report. Dahil sa tinatawag na GREED! Siyempre sino ba ang ayaw ng “mas maraming” kita? Nakakabulag yun! Kaya lahat, nagro-roll over. “All-in” kumbaga. Kasi pag mas marami nga naman ang ipinuhunan, mas malaking kita rin! Kaso, walang “always” sa ganito.

Kaya’t sa paghahangad ng kagitna isang salop ang nawawala, ika nga ng matandang kasabihan.

Para mabalanse ang greed (intense & selfish na paghahangad o kaya kasakiman), mainam na malaman ang…

Rule of 72

Ang Rule of 72 ay paraan para malaman kung kailan (ilang years) mado-doble ng pera mo sa sinasabing tutubuin mo(interest rate).

Formula nyan:

  • 72 divided by years (5) equals interest rate (14.4%)
  • 72 divided by interest rate(14.4%) equals years (5)

Nilagyan ko ng figures sa itaas para may example. Feel free to put your figures.

Kung gusto mo ma-doble ang kahit magkano sa loob ng 5 years dapat ang interest rate(tubuan) sa investment na papasukin mo ay di bababa ng 14.4% kada taon.

Kung ang sabi naman sa iyo ay 14.4% kada taon ang magiging kita, maaari  ka mag-expect ng “double your money” sa loob ng 5 years.

Gamitin natin ang Rule of 72 sa sitwasyon ng victim

  • Sabi sa report, yung 50k naging 60k.

60k – 50k na principal = 10k halagang tubo
10k halagang tubo / 50k na principal = 20% interest rate [ipinapalagay nating isang buwan lang ito]

Rule of 72 says: 72 divided by 20(% interest rate) equals 3.6 years dapat doble na pera mo.

  • Tapos, yung 60k naging 100k in three months.

100k – 60k na principal = 40k halagang tubo
40k halagang tubo / 60k na principal = 67% interest rate [Pag hinati mo yan sa 3 months, around 22% int rate per month]

Rule of 72 says: 72 divided by 22(% interest rate) equals 3.27 years dapat doble na pera mo

  • Sa case ni victim yung 50k nya naging 100k sa loob ng three(3) or four(4) months lang! [Wala pang 1 year!]

Rule of 72 says: 72 divided by 1 year equals 72% interest rate [Ganito dapat ang kitaan dyan]

Papaano ka kikita sa isang taon ng 72% (or approximately 6% per month) kung ang stock market na sinasabing doon ini-invest yung pera ay nasa negative interest rate sa ngayon. Meaning, bumubulusok! This week lang nagsisimulang umangat ulit dala ng positive figures sa U.S. at medyo umaangat na ang commodity prices.

scammedbyjayp

One Year chart of SMC (San Miguel Corporation) and PSEi (Philippine Index) – taken 03.13.16. Source: bloomberg.com

 

We’re (or PSEi is) out of the bear market zone already, pero nasa negative YTD (Year-To-Date)  yield pa rin ang merkado (market)!

Ang totoong kumikita talaga sa ngayon ay yung mga pera sa bank accounts, bond and money market funds na nasa 0.13% to 2% YTD lang. [check with your bank branch of account or see more here; note: NAVPS Performance as of 3/8/2016. Real-time NAVPS is here. ]

Kaya mag-iingat!

Ang nakakalungkot dito, isa sa respected na tao sa industry ang may kagagawan ng latest scam na ito.

It’s my prayer na ma-clear n’ya ang pangalan n’ya cos it’s all over the news / internet.

Marami din kasi akong napulot na aral sa kanya during his PSE Market Education stint. Unexpected lang talaga that I’m also being taught now of a real-life example of scam mismo from the guy. Akala mo tuloy pelikula lang. Sana nga sad movie na lang ito.

Another timeless principle:  “If it is too good to be true, usually it is!”

So, Follow your instinct.

Tame your greed. Keep your values. These will help you avoid scams. There are more to come. Scams will never stop!

Pinaka-importante talaga na di kinakalimutan ang dahilan kung bakit gusto mo yumaman.

Equally important sa #purpose ay yung #process ng pagyaman. Hindi natin dapat isinasantabi ang good “stewardship.”

Hangga’t maari, wala ka dapat sinasagasaan…

Take note of these, Ate and bunso …

 

 

Further reading:

Explore the other posts:

========

Images in this post from: cartoonstock.com, bloomberg.com, colfinancial facebook page

========

Advertisements

4 thoughts on “Paano iiwas sa scam?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s