Daloy ng pera


Dumadaloy ang pera kaya madalas tawagin itong “cashflow.”

Masayang isipin kung dumadaloy ito patungo sa’yo (inflow). Pero kung bumabaha ang paglabas ng pera (outflow), puwede maging miserable ang buhay ng isang tao.

Journal

Dahil marunong na kayo magsulat ng journal, may nahanap ako pwede n’yo magamit para sa inyong intentional awareness ukol sa pagdaloy ng grasya kahit allowance (at kaunting EARNings) pa lang yan sa ngayon.

Madali lang kasi “fill in the blanks” lang s’ya.

Pwede n’yo itong balik-balikan para makita ang inyong progress habang tumatakbo ang panahon. Ang totoo, malaking bagay din sa akin ang journal na ito. Hindi lang kasi s’ya pambata.

Kung seryoso ka sa tinatawag na financial stewardship (pangangalaga ng pinansyal na grasyang kaloob ng Maylikha sa atin), maige na balik-balikan ang fill-in-the-blanks na journal na ito.

I-click (sa ibaba) para makita ang Journal:

  • Nagalak ka ba sa pinagkagastusan mo kamakailan? Bakit?
  • Alin sa mga ginastusan mo ang pinagsisisihan mo ngayon? Bakit?
  • May spending habit/s ka ba na kailangan i-improve? Paano ang plano?
  • Paano ka pa makakapag-save?
  • Kapag malungkot(naiiyak)ka o masama pakiramdam mo, ano ang mga mabuting bagay na maari mong magawa na hindi mo kailangan gumastos ng pera?

Games

Kahit mental notes lang pwede na, pero mas maganda kung isusulat n’yo talaga para malaman kung may mga nagbago ba sa mga sagot n’yo habang nag-aaral tayo ng personal finance and investing.

Meron ding games na tutulong sumagot ng inyong journal. Nasa ibaba.

Madali lang ba pag-ipunan (save up) ang mga bagay na gusto(want) at kailangan(need) ninyo? Isa yan sa ituturo ng game na “Mad Money” bukod sa discipline at pag-set ng GOAL o target. Mahalagang maunawaan ang mga ito. May mga kailangan ka kasing bilhin (shopping list) at gagamitin mo ang iyong budget, savings at EARNings. Sa tanda kong ito, ang sagot ko sa tanong na yan ay: “Mahirap! Pero kaya naman.”  🙂

Para makapaglaro na, i-click itong link (deretso agad ito sa laro), o kaya i-click ang image sa ibaba nito:

You must control the flow!

Ang mahalaga dito, IKAW ang dapat magko-control sa daloy (flow) ng pera (cash), talo ka sa buhay kapag nadala ka ng agos ng pera ( o kaya nadala ka, nasiraan ka ng loob dahil wala ang agos ng pera ) – kasi may minsan na p’wede talagang bumaha ng pera.

Tanong. Magkano ulit ang pwedeng bumahang pera sa inyo 20 years from now? or 30 years from now? O kaya kapag nagtatrabaho na kayo? O nagne-negosyo na kayo? Alam n’yo na ang initial (paunang) target ninyo di ba? 🙂

Sa ngayon, paunti-unti pa lang nae-EARN ninyo, pero dahil alam n’yo na naman ang #magsipag at #magEffort lalo na sa inyong pag-aaral, yung kakaunti mauuwi yan sa pagu-umapaw! Always remember that.

Reflect Always

Pagkatapos ng laro, pwede n’yo balikan ang journal at tingnan n’yo kung mag-iiba ang inyong mga naunang sagot. Magandang ituloy n’yo lang ang inyong pagjo-journal kasi may research na nagsasabi na nakakapagpabyuti, este, nakakapagpabuti ito ng pakiramdamm o nakapagpapagaling ito (therapeutic).

 

Money saving tips

Ang mga sumusunod ay TIPS para sa ate at bunso:

Para kay Ate:
Go straight to the tips from Cody bird, click here.

Para kay Bunso:
Go straight to the tips from Cat family, click here.

 

Naalala n’yo ba ang mga tips nina Cody bird at ng Cat family?

Di naman kailangan kabisaduhin, click n’yo na lang ulit yung mga links sa itaas from time to time…

Teka…

Bago ko makalimutan, importanteng maisapuso ang ganito:

SPEND WISELY – ‘yan na marahil ang pinakasikreto ng good cashflow. TIP: Bago gumastos, laging magtanong sa sarili ng ganito: “Gusto kaya ng may-ari, ng perang hawak ko, na si Lord na gastusin ko ito sa ganito (supply the item)?” (kung kinakailangan kausapan ang may-ari ng lahat-lahat, by all means gawin mo. Pray for guidance!)

 

 

====

Sources:
https://kids.usa.gov/comics/index.shtml
http://pbskids.org/itsmylife/journal/spending_smarts_journal.html
Image attributed to: http://gilbeaulaw.com/are-you-going-with-the-cash-flow-or-controlling-it-by-sacramento-area-attorney-terry-l-gilbeau/

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s