Choices


Kinakaharap ng lahat ng tao ang ‘choice’ (pagpili).

Walang nakakaiwas d’yan. Kahit kasi ayawin mo mamili (mag-choice) at sinasabing “wala akong choice,” eh yan mismong sinasabing ganyan, yan na ang mismong choice!

So, no choice is a choice!  Wag yan kakalimutan 🙂

Bakit mahalaga rin na maunawaan yan?

Kasi ang totoo mahirap gumawa ng choice marami man ang pagpipilian o kahit kakaunti lamang.

Personally, mas gusto kong mamili kung mas maraming options or resources (choices).

Okay lang para sa akin ang malito kaysa naman sumakit ang ulo dahil kulang ang options or resources.

Mas mahirap, sa ganang akin lang naman, kung kakaunti lang ang pagpipilian (choices).

Lalo na kung kakaunti lang ang pera, pero kailangan talaga ang pagkagastusan. Di ba halimbawa pa lang yan, masakit na sa ulo isipin?

Think scarcity when spending!

Sa mundo ng Economics kasi umiiral ang tinatawag na scarcity (o yung tila ba unlimited human wants in a world of limited resources).

Mainam na isaisip yang scarcity pagdating sa usapin ng gastusin (spending) kasi mas magiging wise (wa-is) ka sa paggastos. Bibili ba ng gown or magre-rent na lang? Saan pa ba pwede makakita ng mabibilhan ng mas mura? (okay yan, magka-canvass pa kayo ng classmate).  P’wede pa kaya magamit yung pinaglumaan ni ate para sa first communion ni bunso? Well, kahit di naman tight ang budget, kailangan ang mga ganyang tanong.

Mahalagang ma-consider ang mga ganyan katanungan para mas mautusan mo ang pera kung saan s’ya mas nararapat gastusin.

Matutuwa ang Maylikha kapag meron kang “good stewardship” sa mga bagay na ipinagkatiwala sayo.

Kung papansinin mo, laging hindi sasapat kung magkano meron ka sa mga kailangan(needs) at gusto(wants) mong pinagkakagastusan – dito pumapasok ang kahalagahan ng contentment (pagiging kuntento).

Panoorin n’yo itong pambatang video tungkol sa Economics para mas maunawaan n’yo kung bakit, hangga’t maaari, kailangan nating pinaplano ang mga pinagkakagastusan.

Tinuturo ng Economics kung paano ang gagawing diskarte sa limited na resources para sa unlimited wants ng mga tao at gobyerno.

(Press F5 or refresh button kung wala ang video sa ibaba nito).

Economics – is a social science that studies how individuals, governments, firms and nations make choices on allocating scarce resources to satisfy their unlimited wants.(investopedia.com) ]

 

Kung patuloy n’yo ia-apply yung mga ginagawa n’yo ngayon sa three(3) envelopes n’yo, maiiwasan n’yo ang maraming problema ng Economics hanggang sa paglaki n’yo. Malay n’yo maging mga economic leaders kayo ng bansa or ng World Bank, malaking tulong sa mga tao yan!

Sabi nga sa sulat sa inyo ni FQ Mom (Tita Rose), magkakaroon kayo ng kakayanan para sa tinatawag n’yang “ECONOMIC SELF-DEFENSE”


 
 

 

===========

References:

Investopedia.com

Crash Course in Economics by www.patreon.com

 

 

Advertisements

3 thoughts on “Choices

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s