Bear Market?


Sounds like the favorite of the two of you, right? Yung Teddy bear.

Pero ang tinutukoy ko dito yung nangyayari sa economy ng bansa when the stock market is tanking. Bumabagsak ang mga presyo kahit ng malalaking companies!

Hindi ka matutuwa sa “market bear” na ito tulad ng pagka-aliw n’yo sa “teddy bear” na gusto n’yo nga bilhin agad kapag nadadaanan natin dun sa SM Mall (SMPH) kasi ang sarap gawing unan at katabi sa pagtulog. 🙂

Madidismaya kayo tingnan ngayon ang inyong mga portfolio dahil namumula at malamang double digit ang losses!

Nakakatakot! Dahil parang biglang naabo yung malaking bahagi ng perang ipinahiram ninyo kina Tony Tan ng Jollibee (JFC) at iba pang malalaking Tycoons ng Pilipinas.

Alam n’yo ba? I realized na kung meron mang dapat i-master sa stock investing, ito yung emotion of FEAR. Kahit saan naman di ba, kapag naunahan ka ng takot, talo ka na agad!

Dahil sa fear, nasisiraan ka ng loob. Maraming tao ngayon, nagpa-panic selling dahil bumubulusok ang mga presyo nung binili nilang stocks. At dahil binenta nila ng lugi pa, nakuha nila yung “actual loss” na dapat ay “paper loss” lang sana kung in-ignore lang sa ngayon yung reaction ng stock market sa negatibong nangyayari sa buong mundo – at dahil d’yan baka di na sila uulit bumili kahit kailan ng anumang stocks kahit pa yung mga negosyo (underlying assets) naman ay tuloy-tuloy pa rin ang services sa mga tao.

Nakakatakot malugi!

Yung stock price ni Jollibee halimbawa, bumagsak! pero may nagsara na bang stores? (Sagot: meron, yung mga hindi 24 hours ang operations, pero kinabukasan, open ulit sila hehe).

jfc01122016

JFC stock Chart (as of Jan 12, 2016): Simula ng pumasok ang 2016, hindi happy new year ang pagsalubong ng Jollibee (JFC) stock price na -9.13% (or minus 9.13 per cent) agad ang YTD Return (Year-to-date Return). Ibig sabihin, LUGI agad! Tingnan mo ang direction ng orange line, pababa – Yan ang Jollibee stock price. Kasamang lugi d’yan in blue line ang buong Philippine Index (PCOMP) na nagbo-broadcast sa buong mundo kung maganda(up) or pangit (down) ang Philippine economy. Nabili n’yo yung buong Philippine Index na yan na kabuuan ng  30 big and profitable companies nung bumili kayo ng FMETF – the country’s first Exchange Traded Fund (ETF).

Why Oh Why?

Sana lang naalala nila yung mga reasons kung bakit nila binili anuman yang mga stocks nila in the first place.

Naaalala n’yo pa ba ang mga dahilan ninyo kung bakit binili ninyo ay Jollibee? FMETF? at iba pa? Ano yung GOAL o TARGET ninyo sa pagbili na magdidikta ng mga actions na dapat gawin? Kailangan maliwanag ang mga ito para maiwasan mag-panic. Hayaan ninyo sila mag-panic selling, yan ang gusto nila gawin eh. Kayo chill lang! Yung parang nage-enjoy ka lang ng Slurpee ng 7-11 🙂  At eto ang matindi. The stock market will cycle going UP! The market will recover! It always do recover, trust me.

#PalengkeBearSerye

Tutal fans kayo ng #kalyeserye nina #Aldub. Gagayahin ko yan, sana abangan n’yo rin sa post na ito. Please!? 🙂

Naalala n’yo sina Ping at Pong, right? Sino nga ba ang gusto n’yong gayahin sa kanila? [Dito pwede mag-kodigo kung nakalimutan, watch again the video here. Pero wag gagawin sa school dahil kahit di kayo mahuli ni sister/teacher, the Lord is watching you and He knows what you do in private]. Yung creator nung mga characters na yun may series of post sa kaganapan ng stock market ngayon. Gusto n’ya maibahagi ang kanyang experience sa #bearmarket especially maraming nagtatanong sa kanya; marahil yung iba, nagpa-panic. Mas marami kayong matututunan sa kanya kaysa akin – ako mismo I’m learning from him a lot!

Ako kasi puro “correction” pa lang nararanasan ko. Correction – yan ang tawag kapag minus 10% ang pagbagsak ng stock market mula sa peak nito, na medyo nakakasanayan ko na rin.  Pag nagkataon, pag nagtuloy-tuloy ang pagbagsak in the next 2 or 3 months kung saan official bear market na talaga, it will be #myfirstbearmarket experience. Excited ako na malaman ang magiging mga personal reactions ko as I experience this thing called tadhana (ng bear market).

Heto na!

Teka, post ko muna basahin ninyo hehe. Yung mga susunod Post na ni Aya Laraya, promise. (Kung walang makita sa ibaba, hit “F5″/the refresh button kasi baka temporarily offline ang facebook). Concentrate ka muna sa lahat ng main post, check comments later on.

 

Thanks to Aya Laraya of Pesos and Sense for publicly sharing the posts below:

5Million in 30 years di ba. Yan ay long term, Investing ang gagawin kung ganun. Yung taas-baba ng presyo(market volatility), dedmahin lang:

Tanungin ang sarili: Bakit ako bumili nito? May dahilan pa ba para wag magbenta? Aya Laraya: “umaksyon base sa nalalaman at naiintindihan natin”

Bear market na nga ba? Kailan aakyat? Walang nakakaalam ng kasagutan. Wait and see tayo para masagot yang mga tanong na yan!

Lahat ng desisyon mo makaka-apekto sa’yo at taong nakapaligid sa’yo. Kaya patuloy ang pag-aaral. Walang nasosobrahan sa pag-aaral, nagkukulang lang sa execution (pag-apply ng napag-aralan).

“Do not let these (negative) events turn you off from investing completely. If you now hate stocks, that’s ok, but do not stop looking for other ways to grow your money.” Pero tandaan, among the asset classes, nothing beats the stock market return.

 

I think the one below is the most important post of all:

Peace of mind talaga ang habol mo pag nagi-invest. Possible yan lalo na kapag naintindihan na “Market crashes are part of the investing landscape” Revisit your strategy or consider other asset classes (bonds, fixed income instruments, real-estate, etc)

=====================

References:

Aya Laraya’s facebook

http://www.biblestudytools.com/nlt/matthew/6-18.html

Bloomberg for the chart

http://business.inquirer.net/205366/ph-stock-market-slips-into-bear-territory

http://business.inquirer.net/197876/should-you-invest-in-a-bear-market

http://business.inquirer.net/198972/col-ph-stock-market-not-heading-to-bear-territory

=======================

 

Advertisements

3 thoughts on “Bear Market?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s