Spending (Paggasta)


'I'm done with school because all I need to make a living is to know how to persuade my dad to give me money!'

Hmmm… Not so good source of money for spending. A more sustainable source of money for spending is yourself and your investments. (Image source: Cartoonstock.com)

Magandang pag-usapan yung pangatlong bahagi ng money cycle: 1)Earn, 2)Save, 3)Spend, 4)Donate.

Spend.

Ito na marahil ang pinakamadaling intindihin sa bahagi ng money cycle. Araw-araw kasi itong ginagawa. Mas madaling maintindihan at mapaghusayan kapag araw-araw na napa-practice. And practice makes perfect.

Kumakain tayo araw-araw. Walang mintis yan. May gastos(spending) yan sa bigas, ulam, tubig, asin, mantika, asukal, paminta, gas o kuryente, cook lalo na kung kumain ka sa labas(fast food halimbawa). Kahit ikaw lang ang nagluto ng pagkain, gumastos ka rin ng oras dahil ang oras mo ay mahalaga. At binabayaran ang oras mo kapag nagtatrabaho ka o kahit nagpapatakbo ka ng sarili mong negosyo.

Bakit mahalagang maunawaan ang spending?

Para hindi mo malustay ang pinaghirapan o pinagsikapan mong pera ng ganun-ganun na lang. May mga klase ng spending: mindless (hindi pinagisipan), impulse (bigla na lang), at planned (pinagplanuhan).

Ang planned spending ay yung nilalaan mo para sa SAVE at DONATE. Pati yung mga naka-planong expenses sa SPEND mismo. Tuwing may na-EARN ka tulad halimbawa ng sweldo, tips, allowance, gifts, o bonus — naidi-distribute mo na agad ito sa SAVE envelope, SPEND envelopes(food, etc), at DONATE envelope.

Ang Mindless and Impulse spending naman ay magkapatid. By default, andito tayong lahat. Walang effort kasi ang irresponsableng paggastos. Wala kang kaplano-plano pero napapagastos ka. Mga halimbawa. Napabili ka ng kendi sa daan dahil mukhang masarap sa hitsura pa lang ng pabalat. May naka-sale na tsinelas sa mall bumili ka dahil di mahanap sa bahay yung iba mong tsinelas. May biglang nag-alok ng lumang gadget sa murang halaga at kinuha mo kahit mayroon ka namang parehong gadget na nagagamit mo pa. Gawin nating assignment na lang yung iba pang halimbawa kasi maraming ganito. Alalahanin mo yung mga items(lalo na mga toys) na nabili mo dati pero ngayon inaalikabok na sa isang sulok – malamang nabili mo sila out of spending mindlessly and impulsively.

Walang problema sana sa mga iyan kung hindi magagastos yung mga perang nakalaan na kung para saan. Malaking problema kung ang ipambabayad mo sa lumang gadget ay yung pambayad mo ng ilaw. Putol kang ilaw ka! Sigurado yan dahil hindi tatanggap ang Meralco (MER) ng gadget bilang kabayaran ng nagamit na kuryente. O kaya para di maputulan ng ilaw, ipambabayad na lang ang para sa budget ng pagkain. Gutom naman ang aabutin mo! Dugtungan ng problema ang mangyayari talaga kapag ganyang walang disiplina.

Mag-budget pa rin!

Mas mainam maglaan na lang din ng budget para sa mga discretionary spending (magdagdag ng isa pang SPEND envelope) kung talagang di maiwasan ang mindless/impulse spending. Sa ganyang paraan, di maapektuhan ang mga importanteng budget.

Walang panggastos ang problema?

Baka naman ang ibig sabihin “kulang” ang panggastos. Siguradong may panggastos ka. Nakakabili ka ba ng kendi? Sa mga nasa tamang edad, nakakapag-yosi ka ba? Kung oo, meron kang panggastos, baka kulang lang.

Kung kulang o walang panggastos, mas lalong dapat kang magseryoso sa usapin ng spending (paggastos). Una muna, tama ba ang pinagkakagastusan mo? Sa panghuli,  pag-aralan mo kung anong klaseng spending ang ginagawa mo sa bawat sentimong natatanggap mo.

Advertisements

One thought on “Spending (Paggasta)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s