Paano bibili kung sarado ang Philippine Stock Exchange (PSE)?


Sumasabay sa school ang operations ng PSE (Philippine Stock Exchange). Bukas sila 9:30am hanggang 3:30pm, Mondays to Fridays only. Kapag holidays, wala rin silang pasok.

So paano ka na maki-sosyo sa mga big tycoons ng bansa tulad ni Tony Tan (ng Jollibee)? Kailangan ba a-absent ka para lang dito?

Hindi kailangan mag-suffer ang school at iba pang gawain n’yo. Sabi nga natin, “on the side” lang ito. Sideline kumbaga. Di kailangang maka-apekto sa mga pang-araw araw n’yo gawain. Syempre mas importante pa rin na kumakain ka sa tamang oras, nage-exercise, nag-aaral, gumagawa ng mga assignments, nagdarasal at nagpapasalamat parati sa Maylikha ng lahat-lahat kasama na ang inyong mga savings and investments.

Simple lang ang kailangan n’yo gawin para mangyari ang mga nabanggit ko sa itaas at manatiling mabuting mamamayan.

Ganito.

Bumili ka ng gusto mong stocks – kahit pa sarado ang stock market (ang steps nasa bandang ibaba).

Pagkatapos mo bumili ng stocks, kalimutan mo na ito.

Sasabihin ko na lang sa inyo kung bigla-bigla magsasara na ang Jollibee. Bago sila magsara, nailabas na natin ang pera n’yo para i-invest sa ibang magagandang negosyo.

Kahit kayo mismo mapapansin n’yo kung kailangan n’yo na um-exit sa investment. Halimbawa, yung mga stores ng Jollibee unti-unti nawawala, mapapaisip ka na. O kaya biglang ayaw mo na kumain ng chickenjoy dahil pumangit ang lasa, mag-isip ka na. Pero kung patuloy mo tinatangkilik ang Jollibee, may mga kapitbahay nagbi-birthday sa Jollibee kahit di ka naiimbita, tuwing bibili ka ng value meal lagi na lang may pila. Pag ganyan, malabong magsara ang Jollibee dahil maraming customers ang willing magbayad at magbigay ng kita (EARNings) sa kumpanya.

Balik tayo sa tanong. Paano bumili ng chickenjoy?

Este ng stocks ng Jollibee (o ibang malalaking companies, matatag na companies, na di basta-basta magsasara bumilang man ng maraming taon: 30 years halimbawa) kung sarado ang stock market?

Merong tinatawag na OFF-HOURS trading.

Actually, di ka talaga makakabili pag off-hours. Ang nangyayari lang, naipipila mo yung gusto mong bilhin para pagbukas ng stock market, kahit nasa school ka na bahala na ang system ng Colfinancial na bumili para sa iyo based sa iyong mga set instructions. Pagkatapos ng school, check mo na lang kung nag-match. Sa Step 14 ng Paano bumili ng stocks sa Colfinancial online Platform? article, naipaliwanag ko na kung bakit di tumutuloy ang pagbili ng stocks; at kung ano ang dapat mong gagawin. (kung nakalimutan, see step 14).

Tama na muna ang lectures.

Sundin ang mga sumusunod para makabili OFF-HOURS.

[Teka muna. Kung bukas naman ang stock market – “Market is OPEN” (ibig sabihin: Monday to Friday, 9:30am to 3:30pm) – gamitin mo yung isang guide. I-click ito para makita sa isa pang window.] 

Step 1: Gawin ang Steps 1 to 8 ng “Paano bumili ng stocks sa Colfinancial online Platform? Isulat sa isang papel ang “LAST” price at “Boardlot” para siguradong walang kalimutan. Example dun kung natatandaan nyo: Boardlot = 10. Last price ay 111.50; Ang last price, madalas magbago yan araw-araw, take note. Kakailanganin mo kasi yang mga yan sa paggawa ng off-hours buy order.

Step 2: Click the “Trade” tab (see below).

Step2

(Step 2 to 3 / Off-hours Order)

Step 3: Click the “O-H Order” (see above screenshot).

Step 4: Siguruhin ang mga ito (see screenshot above):

Transaction: dapat selected ang “BUY”

Term: selected dapat ang “ATO” (ibig sabihin, At The Open, pagbukas na pagbukas ng stock market susubok agad ang system na ibili ka ng stocks na gusto mo – yan yung stock na nilagay mo sa ‘Stock Code’)

Stock Code: FMETF (example lang yan ng gusto mong bilhin)

# of Shares: yan yung nasa boardlot (halimbawa: 10)

Price: yan yung makukuha sa LAST (halimbawa: 113.2000) – maaaring color green(tumaas) yan, red(bumaba) o kaya orange(di nagbago).

Step 5: Click the “Preview Order” Button

Step 6: “Enter you password” kung tama yung nakikita mong price. Take note mo yung “Total Order” – yan ang mababawas sa pera mo sa account mo.

Step5

(Step 4 to 5 / Off-hours order)

Step 7: Click “Place Buy Order” button

step67

(Step 6 to 7 / Off-hours Order)

Step 8: Eto ang next screen. Nakapila na ang iyong “Buy Order.” Pagbukas ng market, susubukan ni system na ibili ka ng stock mo. Di mo na kailangan pa mag-monitor. Tingnan mo na lang pag wala ka nang ibang ginagawa.

step8done

(Step 8 -Done)

step8doneview

(Step 8 – Off-hours Buy Order Done: Ibang view lang ito. Parehas ito ng screenshot na sinundan)

Step 9: At the end of the day, dito mo makikita kung successful ang pagbili ng stocks mo. Kung hindi nagtagumpay ang pagbili, try mo ulit ang steps dito para sa next trading day ulit hanggang makabili ka ng ipinila mong stocks purchase. Para makita itong ganitong view: Click Trade, click Portfolio.

Step9PortfolioviewF5

(Step 9: After the trading day. Kapag tapos na ang school mo, saka mo na lang i-check kung nakabili ka talaga, nakalista ang iyong stock position, pati remaining amount sa fund mo na pambili. Click TRADE, Click PORTFOLIO.

 

Di ba easy lang naman? Easy system para mapalago mo ang savings mo, basta long term!

==========

Click any of these links below to see your Actual Portfolio (katulad ng sa Step 9 screenshot):

 

Use this calculator(click the link below) from the FQ Mom para makita n’yo ulit kung gaano lalago ang inyong mga small investments [tulad ng P20 bawat school day] dahil sa “compound interest” gamit ang stock market:

http://www.raisingpinoyboys.com/book/compound_interest

==========

Advertisements

4 thoughts on “Paano bibili kung sarado ang Philippine Stock Exchange (PSE)?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s