Paano bumili ng stocks sa Colfinancial online platform?


Ate and Bunso,

Since I can’t assist you personally during “trading hours” (9:30am to 3:30pm Mondays to Fridays lang), eto na muna reference n’yo. This is one method how you can buy your chosen stocks.

  1. Type in the address bar: www.colfinancial.com (or just click that link)
1

(Steps 1 to 4)

2. Type in your “user ID” (8 digits)

3. Input your password (hinihintay pa natin ito, kaunting oras na lang 🙂  )

4. Click Log-in

5. Click the “Quotes” tab

2

(Step 5)

6. In the “Stock Code” type in FMETF

7. Then click the “Quote” button

3

(Step 6 and 7)

8. You will see the details of the stock. Ang FMETF, yan yung bucket stocks na tinatawag natin dahil nga 30 big companies na agad ang makukuha mo sa isang bilihan (parang chicken bucket sa Jollibee na kasama na lahat). Kung gusto n’yo ulit malaman kung anu-anong mga kumpanya ang mabibili n’yo, i-click n’yo ito. Importanteng tandaan dito yung a)”BOARD LOT”  tsaka b)”LAST” price.  Example: Boardlot = 10. Last price ay 111.50

4

(Step 8, Step 9)

9. Click “Buy” (see above screenshot).

9a) Pag walang trading, ganito ang lalabas sa screen (kasi “Market is closed”).

[Kung gusto mo pa rin bumili ng stocks kahit sarado ang stock market, i-click mo ito]

5

(Step 9a)

10. Kapag bukas ang trading window (“Market is Open”), ganito ang itsura ng screen mo, tingnan ang picture sa ibaba:

Make sure:

Selected ang “Buy”

Selected ang “Main”

Selected ang “Day”

Stock code dapat ang nandyan “FMETF” ( o kung anong gusto nyong stocks na bibilhin)

# of Shares: kung ilang piraso ng shares ang bibilhin; yung minimum board lot na lang muna ilagay n’yo (Kay FMETF, minimum ay “10”)

Sa Price: ilagay n’yo yung nasa LAST (see Step 8 screenshot) – para ma-match agad at makabili ka agad ng stocks mo.

Kapag ready na, click “Preview Order” button.

6

(Step 10)

11. Sa ibaba ang itsura ng Preview Order Screen. Mga detalye ng bibilhin mong stocks. Andyan ang charges, tax, commission. Kapiraso lang yan kumpara sa kikitain mo in the long term (sabi n’yo 5 Million in 30 years – ang unang milyon nun maaabot pagtungtung ng 20 years. Pag gamay n’yo na saka n’yo na lang aralin kung paano mas makatipid pagbili. Sa ngayon, ang PINAKA-IMPORTANTE na ma-develop or makasanayan n’yo ang pag-save at pag-invest tulad nito.

7

(Steps 11, 12, and 13)

12. Pag na-review mo na, i-type yung password

13. Click the “Place Buy Order” button. Tapos makikita mo next na screen sa ibaba. Antay-antay ka lang. Ilang seconds or minutes lang yan madalas. Ang system ng Philippine Stocks Exchange (PSE) ang bahala mag-match ng buy order mo sa sell order ng iba namang nagbebenta ng shares/stocks nila. Ang gusto mong gawin bili ka lang ng bili ng malilit na parte para sa goal mo in the future. Sa ngayon, 5 Million ang goal ng bawat isa sa inyo based sa P20 pesos na kaya nyo i-save every school day. Bahala kayo. Gusto n’yo 10 pesos lang pwede rin, o kaya piso-piso lang – syempre liliit nga lang yung target amount ninyo. Pero ang pinakamahalaga talaga, eh nagsi-save at invest ka (on the side) kahit ano pa ang ginagawa mo sa buhay o kung anupaman ang mga gusto n’yong gawin, wag n’yo iwawala ang pag-save and invest dahil d’yan talaga kayo giginhawa at makakatulong sa iba 🙂

8

(Step 13 – itsura ng screen pagkatapos i-confirm yung iyong bibihin. Saglit na hintayan lang at may mabibili ka ng stocks. Isa ka ng stock holder o minority part-owner ng negosyo. Kasosyo ka na sa negosyo!)

9

(Step 14 – Makikita dito yung mga nabili n’yong stocks)

14. Click Trade. Then click Portfolio. Pag na-match na yung “buy order” n’yo, nakalista na ito sa tinatawag na “Portfolio” ninyo. Ganyan lang ang tawag sa mga stocks na nabili n’yo. Keep refreshing this page (press “F5” key) hanggang makita mo yung stocks (FMETF, JFC, SMPH, etc) na ipinila mo kanina para bilhin. Kung hindi tumuloy ang pagbili mo, malamang yung “last” price na ni-type mo ay nagbago agad pataas kaya di nag-match. Hayaan mo na lang sa sunod ka na lang bumili. (Actually, may cancel option pa pero di ka naman nagmamadali bumili, kaya easy ka lang 🙂  )

15. Umulit sa Step 5 – para bumili ulit ng JFC (Jollibee) at SMPH (SM Malls) at iba pa, hanggat kaya ng budget n’yo sa inyong account.

Congratulations!

Advertisements

3 thoughts on “Paano bumili ng stocks sa Colfinancial online platform?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s