From the FQ Mom – to Ate and Bunso


$$$$$$$

Minsan, mahirap maniwala kapag walang nakikita kahit pa totoo ang mga “principles” na naririnig natin. Yan ang mahirap sa journey, kailangan mong maging visionary (parang yung Makati City lang, dati mga talahiban yan, pero yung mga nakikinabang dyan ngayon, nakita nila na yung bawat talahib na yun, matataas na gusali! at yung pinagsama-samang mga talahib, financial center ng bansa!).

So, tayo andoon pa tayo sa “Journey.” Sa totoo lang di talaga nagtatapos yan until the eternal kingdom is established. And we do not know when that will happen.

Sometimes lang

Ako kasi aminado din na minsan (kung hindi man madalas – at kung madalas man, gaano kadalas ang minsan? whatever!) sinasabi ko “to see is to believe!”

Kung medyo nakakalula pa rin yung pinaka-guiding principles natin sa ating financial literacy journey, may mga pinakiusapan (inistorbo, kinulit, kinalampag, ini-stalk — syempre in a nice way) akong mga tao na napagdaanan na itong journey natin para maging role models natin. Kulang kasi ang lifetime ng isang tao para makamit lahat ng magagandang accomplishments ng iba. So better learn from their experiences – nakakadagdag sila sa karunungan mo sa pinakamaikling panahon.

[Note: Yung ibang personal messages nabasa n’yo na diba? Kapag napaganda ko na yung mga screenshots ko saka ko na lang i-post dito. Bukod kay FQ Mom, sila ang ibang Nanay at Tatay ko sa Personal Finance/Investing world (role models sa madaling salita). Na in one way or another personally influenced me in this journey. Some of them are still finding time. May iba naman politely declined due to contractual obligations at busy talaga. Okay lang yun. I’m grateful enough for their generosity in other ways. Thank you po sa inyong lahat. More Power! Please don’t get tired inspiring the whole world… ]

The Secret. Ssshh…

Napapadali madalas maging visionary kung may mga role models kang tinitingnan. Yan ang secret, pero hindi sa lahat ng oras. Mga tao din kasi sila. Flawed (imperfect) din sila tulad natin. Pero they try to be the best that they can be.

Gusto ko sana maging ganun kayo. Sige. Kasama na rin ako. Tayo (hehe). Okay lang magkamali di ba, basta may natututunan tayo sa mga pagkakamaling yan. Sige, okay din minsan mag-skip mag-save. O kaya, wag gumawa ng task sa bahay (syempre wala ka lang ma-earn, alam nyo na yan hehe).  Okay din paminsan-minsan mag splurge o maging one-day millionaire. Pero minsan lang. D’yan magandang gamitin ang “minsan”  🙂

Tao lang

Wag nating mamasamain kung minsan ang mga roles models na sinusundan natin ay nagkakamali o pinararatangan ng kamalian – lalo na yung sumikat na, binabato sila dahil namumunga na parang isang punong hitik na hitik sa mga prutas. For as long as the principles remain the same, tuloy-tuloy lang tayo. Sabi nga natin, kailangan natin sila to help us become visionary. Malaking bagay yun! And we should be grateful.

Ang mensahe sa inyo ni FQ Mom nasa ibaba (please click the cartoon image below, hit the refresh button(F5) kung nawawala sina “Ate at Bunso” in cartoons – chances are, your facebook is down right now 🙂 or click the references link at the bottom):

$$$$$$$

(The FQ Mom with her best selling books. Source: Facebook)

$$$$$$$

From the FQ Mom

Bunso, yang “The Retelling Of The Richest Man In Babylon” di lang yan basta coloring book (hehe). Makakasanayan mo rin yung “Pay yourself first” in no time, trust me! Practice makes perfect! #magsipag #mageffort 🙂 🙂 Si Ate kahit dito mukhang writer talaga (ano nga ba ang wattpad account mo? hehe)… Maganda yan. Alam mo ba may nakausap akong lawyer dati, sabi nya “most cases are won in writing.” Sinabi ko kasi pag lawyer dapat madaldal, di naman daw. So keep it up!

$$$$$$$

===================

===================
References:

http://www.philstar.com/health-and-family/2015/11/11/1520769/message-young-kids-about-fq

http://fqmom.com/a-message-to-young-kids-about-fq/

===================

Advertisements

4 thoughts on “From the FQ Mom – to Ate and Bunso

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s