Money Cycle


====

Journey with us as we study and navigate Personal Finance and Investing. Click join button in this facebook group/forum: Parents-Kids Personal Finance and Investing Journey (Parkid-PFI)

====

Okay. Sige. Dahil ni-request mo bunso, ilagay ko na rin itong “Earn, Save, Spend, and Donate” video.

Ang tawag d’yan ay “cycle” ng money.  Hindi kumpleto ang cycle kapag wala ng mga yan.

Tunog bicycle tsaka tricycle. Napansin mo ba?

Nagkakapareho sila sa salitang “cycle.” Ibig sabihin, paulit-ulit kasi ang ikot ng mga gulong nila. Ang bi-cycle (o bisekleta sa Tagalog) dalawa ang gulong na ikot ng ikot lang para patuloy ang pag-andar. Ang tri-cycle naman may tatlong gulong, patuloy din umaabante basta patuloy ang cycle (ikot).

Ang Money cycle ganun din, paulit-ulit at nagpapatuloy ang pag-ikot ng mga gulong nito. Wala kang nakikitang pisikal na gulong sa money cycle. Pero isipin n’yo lang na apat ang gulong nito. Syempre yan yung alam n’yo na: 1)Earn, 2)Save, 3)Spend, at 4)Donate.

Halos nagagawa na ninyo ni Ate yung mga parts (o yung Earn, Save, Spend, Donate)  ng cycle na yan. May kaunting ideya na kayo kung paano mag-Earn, mag-Save. Lalo na mag-Spend di ba? At kung paano rin mag-Donate.

Alin nga ba ang nakakasawa?

Kung hindi tayo nagsasawa mag-Spend (gumastos), dapat di rin tayo magsasawa dun sa iba pang parte ng money cycle dahil magkakarugtong talaga sila kahit hiwa-hiwalay silang gulong na umiikot tulad ng sa bisekleta (bicycle).

Alam ko naman nakakasawa na minsan. Pero teka muna, nakakasawa ba talaga mag-Spend (gumastos)???

May nariringgan kasi akong dalawang bata (sino kay yun? hehe) ng ganito at parang ayaw magsawa sa pag-Spend: “yan na naman, kung may badyet na naman saka tayo bibili” o kaya “hahanapan natin ng badyet yan bago bilhin, lagi na lang ganyan.”

Isa pa pala, yung mga kailangan at gusto ninyo di ba paulit-ulit din? Cycle (pabalik-balik) din yun. Katulad ng bicycle at tricycle, ang money cycle pati ang mga kailangan at gusto ninyo ay magpapatuloy. I think nabanggit ko na yan sa Why Become Rich? kung di ako nagkakamali.

Patuloy n’yo sanang aalalahanin din. Dapat consistent yan na di kinakalimutan.

Na kapag nag-earn (kumita), hahati-hatiin mo AGAD sa (1)save envelope, (2)spend envelope, (3)donate envelope (pwede rin namang sa box(karton) na may pangalang save, yung isa naman spend ang name, tapos merong din nakapangalan kay donate) Dapat lahat sila may makatatanggap ng pera mula kay Earn! Ang tawag minsan ng matatanda sa ganyan ay pagba-budget.

Mahirap magbadget kung di mo kilala ang apat na gulong ng money cycle. Lalo na kung di mo kilala si “Earn” – kaya nga sinasabi ng iba ang ganito: “Mahirap mag-budget kung wala kang babadyetin.

Kaya dapat sabay-sabay na uma-abante ang mga gulong na ito dahil ang buhay nagpapatuloy din sa pag-usad.

Kapag ang isang gulong halimbawa tumigil sa pag-ikot, hindi na aandar ang bisekleta at problema yun.

Mae-enjoy mo pa ba ang bicycle na ganyan ang hitsura?

Kaya natin sinasabi na ang Earn, Save, Spend, Donate ay sabay-sabay dapat na umiikot (katulad ng mga gulong ng bisekleta at tricycle) at paulit-ulit dahil kapag ang isa sa mga yan ay tumigil, sari-saring problema ang pwede mangyari.

Sagutin natin:

  1. Anong mga suliranin ang maaring maganap kapag wala si EARN?
  2. Kapag wala si SAVE?
  3. Paano naman kapag walang SPEND?
  4. Kung walang DONATE, may suliranin din kaya?

Good luck sa mga sagot!!!!!!!!!!!!!!  🙂 🙂  🙂 🙂 🙂 🙂 !

Note: Nabuo ang article na ito sa pakikipagtulungan ni Bunso. Sa kanya ang ideya ng mga video, formatting, exclamation points, pati smileys

====

Journey with us as we study and navigate Personal Finance and Investing. Click join button in this facebook group/forum: Parents-Kids Personal Finance and Investing Journey (Parkid-PFI)

====


===========

Credit to owner of Video: Cha-Ching

===========

Bonus videos (credit to their respective owners)::

http://www.dailymotion.com/video/x2w9fne

http://www.dailymotion.com/video/x2v9tsf_tom-and-jerry-classic-cartoon-full-episodes-hollywood-english_tv

Advertisements

3 thoughts on “Money Cycle

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s